May dalawang magkapatid na nangangalang Marilla at Matthew na naninirahan sa kanilang sakahan, ang Green Gables. Dahil matanda na sila, walang asawa’t walang anak, ay naisipan nilang umampon ng isang batang lalake na makakatulong sa kanila magtrabaho sa kanilang sakahan.

Ngunit, sa paghihintay ni Matthew sa istasyon ng tren para sa kanilang inampon na bata, isang batang babaeng edad labing isa, may pulang buhok, lumang bagahe at maduming damit ang dumating, imbes na sa isang lalaki. Siya ay si Anne Shirley.

Dahil sa pagiging madaldal at kagandahan ng ugali ni Anne ay sinabi ni Matthew kay Marilla na kung pwedeng kupkupin na lamang nila ito. Sa una’y nag-alangan si Marilla ngunit sa huli ay sumang-ayon na siya. Si Anne ay isang napakamasiyahing bata kahit na siya ay ulila na. Siya ay positibo, mapagbigay at napakalawak ng imahinasyon. Nung una’y wala pa siyang naging totoong kaibigan bago pa siyang pumunta ng Green Gables.

Ngunit, isang araw ay nakilala niya si Diana Barry at sila ay naging matalik na magkaibigan. Sa eskuwelahan ay may isang lalaki na nagngangalang Gilbert Blythe na lubos na kinaiinisan ni Anne sapagkat lagi nitong inaasar si Anne tungkol sa kanyang pulang buhok. Sinisigawan ni Anne si Gilbert sa tuwing hinihila niya ang tirintas nito. Ito ang naging simula ng kanilang matinding tunggalian laban sa isa’t-isa.

Sa paglaki ni Anne ay mas lalo siyang nagiging seryoso patungkol sa kanyang pag-aaral. Napansin siya ng kanyang guro na si Bb. Stacy dahil sa kanyang talino at hinihikayat niyang sumali sa isang grupong naghahanda para sa isang entrance exam sa Queen’s Academy. Dahil sa kanyang pagpupursigi ay nakuha niya ang Avery Scholarship na kung saan ay magkakaroon siya ng pera upang makapag aral sa isang apat na taong kurso sa kolehiyo.

Bitbit ang magandang balita, umuwi si Anne sa Green Gables upang masabi ito kela Matthew at Marilla. Ngunit, sa pagdating niya, naabutang inatake sa puso si Matthew at pumanaw na. Nang malaman din ni Anne na halos bulag na si Marilla ay napagdesisyonan niyang manatili nalang sa Green Gables, alagaan si Marilla at isuko na lang ang kanyang scholarship.

Nang mabalitaan ni Gilbert ang pangyayari, isinuko niya ang kanyang trabaho bilang isang guro upang makuha ni Anne ang puwesto niya. Sa huli ay naging matalik na magkaibigan sila Anne at Gilbert. Si Anne naman ay nanatili paring positibo patungkol sa kanyang hinaharap.

Talasalitaan

  1. Mausisa – matanong
  2. Magmasid – obserbahan
  3. Nakapinid – nakasara
  4. Magmatyag – tumingin
  5. Himlayan –  libingan
  6. Kapanalig – kasama
  7. Nakalagak – nakatayo
  8. Kupkupin – pangalagaan

Mga Isyung panlipunan:

  1. May diskriminasyon sa kasarian pagdating sa pagtatrabaho
  2. Hindi lahat ng lisensiyadong guro ay marunong at may kakayahan magturo

Simbolismo:

Tauhan

  1. Anne: simbolismo ng kahabagan at tapang
  2. Gilbert: simbolismo na kaya rin magbago ng ugali ang isang tao
  3. Matthew: simbolismo ng kabaitan
  4. Marilla:
  5. Diana:

Pangyayari sa Kwento

 Pagsakripisyo ni Anne sa kanyang scholarship/ Pagsakripisyo ni Gilbert sa kanyang trabaho para kay Anne: simbolismo ng pagpapakumbaba at pagiging hindi makasarili

 Pagkamatay ni Matthew: simbolismo ng mga pagsubok na hindi inaasahang dumating  

Ang buod na ito ay isinulat ni Arielle Lois Umali at Czarina Piscasio.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s