Si Nyaminyami ay isang kilala at ginagalang na diyos ng mga tao sa tribo ng Tonga, na pinaniniwalaang naging mabait sakanila noong mga panahon na sila’y naghihirap. Siya ay naninirahan ng payapa kasama ang pinakamamahal niyang asawa. Ngunit ang lahat ay nagbago nang magpasiyang magtayo ang pamahalaan ng isang dam sa Kariba. Sinasabi na ang dam ay itatayo sa mismong tabi ng malaking bato na pinaniniwalaang bahay ni Nyaminyami.

Ikinatakot ito ng mga Tonga na baka magalit ang diyos, kaya naman ay nakiusap at binabalaan nila ang mga manggagawa na itigil nalang ang paggawa ng dam. Ngunit ay pinagtawanan lang sila. Sinimulan na nila ang gawain sa pamamagitan ng paglipat ng mga mamamayan sa mas mataas na lupain at pagputol sa libo-libong mga puno. Isang araw ay biglaang bumagyo at resulta nito ay isang napakalaking baha na nagsira sa bahay ng marami at pumatay sa mga hayop. Pinaniniwalaan na ang hindi pangkaraniwang pangyayaring ito ay ginawa ni Nyaminyami. Sa kabila ng kaganapan, ang mga dayuhan ay patuloy sa pagtatayo ang dam. Mas tumindi ang galit ni Nyaminyami at bumaha nanaman ulit, pero ngayon ay mas lumakas ito kumpara sa nangyari noon. Maraming mamamayan ang namatay kasama nang ibang manggagawa. Muling pinaniniwalaan ng mga tao roon na ang mga pangyayaring ito ay dulot sa matinding galit ni Nyaminyami dahil sa pagtatayo ng dam at sinasabing naiwan ang kanyang pinakamamahal sa asawa sa kabila ng dam.

Kahit anumang pakikiusap ang gawin ng mga Tonga at kabiguan na nararanasan ay patuloy parin ang pagtatayo ng dam hanggang, sa wakas, ay natapos na ito. Ang rebulto ni Nyaminyami ay itinayo, sa itaas na bahagi ng ilog Zambezi, bilang respeto sa diyos. Ang mga Tonga naman ay patuloy na naninirahan sa taas na bahagi ng ilog at narararamdaman ang minsa’y panginginig ng lupa sa paligid. Naniniwala sila na galit parin si Nyaminyami at pilit na gibain ang dam para mabalik sakanya ang kanyang asawa. Kagustuhan man ng mga Tonga na mabalik ang asawa niya ay umaasa parin sila na sana ay hindi siya magtagumpay dito dahil alam nilang magiging mapangwasak ang resulta nito.

Talasalitaan

  1. Lambak: Valley
  2. Bumayo: Tumama
  3. Nangahas: Nag-lakas loob
  4. Alimpuyo: Ipoipo (whirlwind)
  5. Dambuhala: Napakalaki

Isyung Panlipunan

  • Hindi pagbibigay respeto sa kultura at paniniwala ng iba.

 

Ang buod na ito ay isinulat ni Glaizel Tarun at Kaye Marfil.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s